Support Pinoy Farmers at Palaguin ang iyong Pera - FarmOn Philippines
FarmOn ang isa sa mga mas popular na platform ng pamumuhunan ngayon. Ginagamit nila ang lumang ideya ng "patanim / pa-ani" kung saan pinopondohan mo ang mga seedlings / livestocks ng mga magsasaka upang mapalago nila ang pananim / hayop.
Sa pamamagitan ng virtual na pagsasaka. Ang mga taong gustong magsagawa ng pagsasaka but no time is pwede nang mag-participate at tulungan ang ating mga magsasaka sa kanilang mga pangangailangan sa pananalapi sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng kapital. Mas mainam ito kasi mas mabilis ang paglago ng pera mo than what bank savings account could offer.
Ito ay tungkol sa pagsasaka. Ito ay tulad sa online cooperatve. Hindi man eksakto how cooperative works but basically meron investors, may investment at may kita.
Itinampok din iito (Jessica Soho, Philippine Daily Inquirer, Solar News Channel, Day Off, Balitanghali at Tapatan ni Tunying) at nakarehistro rin sila sa SEC.
“It’s like Farmville on Facebook but it’s real. You can really farm and harvest just like a real farmer,”
-Teodulo Otoman II of the Sproads Website Solution,
the brains behind the FarmOn.ph application
Sa ibaba ay isang gabay sa return on investment (ROI) mula sa FarmOn;
Paano Mag-Invest
1. Mag-Register
Ang pagpaparehistro ay bubukas sa sandaling magsimula ang isang bagong cycle. Kung gusto mo maaari mong i-bookmark ang FarmOn upang madaling madirekta kapag meron ng bagong cycle na bukas.
20th Cycle Registration ay mag-oopen na ngayong October 3, 2018 hanggang November 29, 2018 at ito ang huling cycle para sa taon na ito at para sa karagdagang informasyon maari nyong bisitahin ang kanilang Official Facebook Page.
Ang proseso ng pagpaparehistro ay madali na ngayon dahil hindi na ito nangangailangan ng isang referrer and you will not go through the long process of confirmations. The old long process kasi requires referrer para sa pag-confirm bilang kanyang referral sa pamamagitan ng pagtawag sa FarmOn. Kaya good thing wala ng referral basta register lang tayo kung may open na cycle at tadan! pwede na tayong mag-invest.
2. Mamuhunan sa Pananim / Livestock
Pag may account ka na makikita mo ang listahan ng mga farms na pwede mo pag investan. Andoon din kung ilang buwan bago ang harvest at kung magkano minimum na pwede mong ikapital.
Walang minimum na investment depende saiyo kung ilang farm ang iyong gustong puhunanan.
4. Ang FarmOn ay mag-eemail saiyo and ask for your signature o lagda sa kontrata at i-scan mo yong pirmadong kontrata at ipadala dun sa email na na-received mo sa Message Center (User Control).
5. I-Deposit ang iyong Investment
Maari mong gawin ang pagbayad sa (1) BDO Bank Deposit (2) Cash Payment and/or (3) Paypal.
Screenshot o-iscan ang Proof of payments / receipts at ipadala sa email (User Control - Message Center).
Note: Keep the signed contract and deposit slip / invoice for future reference.
6. Monitor your investment and tandaan ang petsa ng iyong pag-ani. Maghintay para emails regarding your investment, log-in to your account sa website ng FarmOn at tingnan ang check mo din Official Facebook Page para mga infos.
7. Once the profit and investment appears sa account mo, at gusto mo syang withdrawhin pwede kang mamili either tru sa bank details na ibinigay mo sa profile mo or tru remittance or pwede mo rin syang ire-invest din sa mga susunod na cycle (product request)
, fill up mo yong online profit encashment form, at ilagay ang mga detalye ng iyong bank account and the amount to be deposited. And wait for your investment to be deposited to your account.
, fill up mo yong online profit encashment form, at ilagay ang mga detalye ng iyong bank account and the amount to be deposited. And wait for your investment to be deposited to your account.
Process may be subject to change without further notice. Para sa karagdagang mga katanungan mangyaring makipag-ugnayan sa FarmOn.
Umaasa ako na maraming mga Pilipino and specially mga OFW ang mag-invest sa ganitong klaseng investment. Kumikita ka na, nakakatulong ka pa hindi lang sa mga magsasaka pati sa agrikultura ng bansa. Oh db petmalu, lodi!
Happy Investing!
Blessy♥
Disclaimer: Hindi po ako binabayaran upang mag-blog tungkol dito. (Wish ko lang ☺) Ako ay happy FarmOn-er na nag-aani ng mga benepisyo ng pamumuhunan. Kaya gusto ko itong ibahagi sa mga kaibigan at mambabasa as much as I can kasi naniniwala po ako na ito ay isang mabuting gawain in a win-win situation na maaari tayong kumita habang tinutulungan natin ang ating mga magsasaka.
Comments
Post a Comment