Paano ko ba sinimulang Mag INVEST
Year 2016 isa sa mga client ko ng mga anek anek ng korean fashion talked to me about investing sa Stock Market. Whoahhh Stock market - sabi ko pa nga " nako mahirap wala akong pera para jan at para sa mga mayayaman lang yan" ☺. At nakwento pa nya about dun sa katulong at tsuper ni Bro Bo Sanchez na naging milyonarya at milyonaryo.. galing naman at tarush nila db!
Ito ung mga listahan ng mga pinoy financial bloggers na pinagkaabalahan kong basahin mga blogs nila at if isa ka sa mga nagba-blog about finance or kung meron kayong mga paborito na blogger na wala sa listahan ko pashare naman para makakuha din ng knowledge. chars!
2. Marvin Germo : - Money Blog
3. Fitz Villafuerte : - Ready to be Rich
4. Omeng Tawid : - Smart Pinoy Investor
5. Aya Laraya : - Peso and Sense
6. Burn Gutierrez : - Rock to Riches
7. Chinkee Tan : - Helping You Become Wealthy and Debt-Free!
8. Billy Ramirez - Personal Finance Tips
9. Dr. Pinky De Leon : - My Finance MD
10. Vince Rapisura
Marami pang mga finance bloggers, websites, facebook groups / pages na pwede nyong pagkunan ng mga informasiones. Consult lang tayo kay Google daghan ta makuha ☺
Marami kayong matutunan sa kanila promise! Dahil sa pagbabasa natutunan ko kung ano ang mutual funds - kung bakit natin kailangan ng insurance at kung paano mag invest sa Stock Market sa Pilipinas ha! Kung sobrang yaman na natin at carry na natin mag invest ng stocks sa ibang bansa why not coconut.. pero mas masaya pa rin if tatangkilin natin ang sariling atin.. achus!
Or pwede kang mag download ng apps at mag-sign up sa Investagram dito malalaman nyo ang estratehiya sa pag iinvest para makapag start ka sa inyong journey sa stock market, meron virtual trading with 100K kaya pwede mong masubukan magtrade sa stock market nang walang pangambang mawala ang iyong sariling pera.

But take note ha, hindi isang rich-quick scheme ang pag-iinvest ang kasangga mo dito ay oras at pasensya kasi ang pag-iinvest ay boring sa mga katulad natin long investor. Hindi ka yayaman kaagad. Years ang bibilangin mo kaya mas maaga mag invest na bata ka pa para mapalago mo ang iyong pera.
Kung takot kang makita ang investment mo na bumababa ang halaga, huwag mo nang subukang pumasok sa mundo ng stock market.
Walang garantiya kung magkano kikitain mo dito, kung tutubo ka ba o malulugi ka, dumedepende ito sa performance ng current market.
Kailangan maging aware ka kasi pera mo yan at pinagpaguran mo, so dapat alam mo at sigurado ka kung saan mo pinapasok ang mga yan. Basta kung mag-iinvest piliin mo ung company na sa tingin mo ay matatag at matagal na sa industriya. Para kung tumaas or bumaba man ang market, tiwala ka na kikita at tutubo pa rin ang iyong pera. At
At my next blog, ise-share ko naman paano ako nag-open ng account sa Stocks Market at Mutual Funds.
Happy Reading!

Opening an Account with COL Financial (OFW)
Opening COL Accounts para sa mga Minors
Paano Mag-INVEST sa Mutual Fund Using COL Fund Source
Thanks po sa advise Jordan.. cge pag-aaralan ko din yan at once maintindihan ko na about forex trading papasukin ko rin to.
ReplyDelete