Qatar ID Change Name Procedure from Single to Married for Filipinos in Qatar

Ikaw ba ay isang expat sa Qatar na kamakailan ay nakapag-asawa o gumagamit pa rin ng apelyido sa  pagka-dalaga at nais i-update ang iyong pangalan sa Qatar ID o Residency Permit sa Qatar.

Here po detalyadong steps at kung anong mga documents na need niyo ma-complete bago kayo pumunta sa Ministry of Interior Qatar in Al Gharaffa o pwede din check nyo sa inyong PRO if pwede nyo rin i-aaply yong change name dito sa list ng MOI Service Centers


1.   New Passport Copy (Married Name)

2.   Certificate of Change Name from Philippine Embassy Qatar (kailangan dala mo ang iyong new at old passport, babayad ka ng Qar 100 at mare-release sa loob ng isang oras)

3.   Residence Permit o QID Copy (still with your maiden name)

4.   Marriage Certificate Copy 
  • NSO Authenticated with Red Ribbon from Philippines
  • Attested from  Philippine Embassy Qatar (Qar100) at sa Qatar Ministry of Foreign Affairs (Qar100)
if hindi nyo malakad authentication, pwede ko ishare sa inyo 'yong company na naglakad ng authentication ng Marriage Certificate namin. (buntis kc ako nun at busy si hubby kaya pinalakad nalang namin) no worries trusted po sila. Message nyo nalang ako para mabigay ko contact infos.

5.   Original Letter written in Arabic nakasaad yong rason para sa pagpapa-change name (dapat in English letters 'yong old names atsaka new names)
  • Pwede kang pumunta sa mga typing center para sa pagpagawa ng sulat o kung meron kang kakilalang arabic o ka-opisina pagawa ka ng sulat in Arabic at pagkatapos pirmahan o lagdaan mo.
6.   1 pc. na 2x2 picture with blue background

7.   I-download mo at pil-apan ang - Application for Modifying Resident's Details
8.   Hingi ka ng kopya sa Company mo ng Computer Card (Company / Sponsor Computer Card)
 
9.   Passport copy ni husband.

10.    QID Copy ni husband (kung dito rin sya sa Qatar nagwowork).

If makompleto nyo na mga documents o kakailanganin na nakasaad sa ibabaw, ito naman ang susunod nyong gagawin:

11.   I-submit sa MOI at Al Gharaffa - Gate 2, 2nd Floor - hanapin nyo yong Office ng "Committee Into Looking for Change Name Request" 
  •  Ibigay ang lahat ng mga documents sa opisyal na nakaupo sa front desk, inform him na mag-apply ka for change name, bibigyan ka nya ng isang yellow stub at i-advise sayo na bumalik after 3 weeks (itago mo lang 'yong yellow stub kasi ito 'yong ipapakita mo once bumalik ka para sa mga susunod na proseso). 
  • At para segurado instead of 3 weeks na balik, bumalik ako after a month ng pag-sumite ko ng mga documents. Mahirap kasi pabalik-balik, pahirapan ang parking at isa pa matraffic.  
 12.   After 1 month bumalik ako sa MOI at Gharaffa - Gate 2, 2nd Floor (same office kung saan ka nag-submit ng iyong mga documents)
  • Ipakita ang yellow stub sa opisyal o sa front desk officer at bibigyan ka ng arabic form (ito yong form na dadalhin mo newspaper agency para sa iyong change name ads.
  • Dalhin ang form sa malapit na typing center na matatagpuan sa may Petrol Station malapit sa MOI Gharaffa - lalakarin mo lang. Tapos sa typing center ask nila yong new passport mo at QID iverify kasi nila yong name at itatanong din kung anong newspaper agency ( Gulf Times o Peninsula ) mo ipopost yong ads, typing cost is Qar 5.   Peninsula pinili ko kasi mas makakamura tayo sa ads. (GulfTimes Qar 500 / Peninsula Qar120).
  • After typing ng form for newspaper ads, balik ka sa MOI ibigay mo yong form at ito ay kanilang lalagyan ng stamp.  
  • After stamping ng form dalhin mo na ito sa newspaper agency na choice mo. Ipresenta mo lang yong form at sa publication personnel at bayaran ang posting / advertisement fee at tanungin mo kung kelan ang posting.
  • Once posted na yong change name ads mo, bili ka ng  newspaper or kuha ka ng newspaper sa opisina mo. Itabi mo at buong newspaper ha! but lagyan mo ng palatandaan kung anong page naka post yong change name mo. (yong page lang kung saan nakapost ang kukunin ng opisyal ng MOI but they need to see yong Whole newspaper pa)
 13.   Pagkatapos ng 15 days, kung walang nag-object sa change name mo, bumalik ka sa MOI at Gharaffa - Gate 2, 2nd Floor (same office kung saan ka nag-submit ng iyong mga documents) at i-submit ang newspaper. Susuriin ng opisyal ang newspaper at papayuhan ka ng bumalik muli pagkatapos ng isang linggo.

Ito na last step (#14), hayy sa wakas!
but make sure na dala mo ang mga sumusunod;
1. Yellow Stub
2. New Passport
3. Old Passport
4. QID
5. Debit / Credit Card

14.     Pagkatapos ng isang linggo, bumalik ka sa MOI at Gharaffa - Gate 2, 2nd Floor (same office kung saan ka nag-submit ng iyong mga documents) at ipakita ang yellow stub. Bibigyan ka ng opisyal ng MOI ng kopya ng inyong application form at kailangan mo dalhin sa Gate - 1, 1st Floor para sa stamping.

Tandaan: Sa Gate -1, 1st Floor, sa machine ng priority number, nakakalito kung ano ang pipiliin mo kasi hindi na mabasa ang gawin mo piliin mo ung B (change occupation) at antayin ang iyong turn at ibigay mo lang ang form para ma-stampan at pagkatapos nun a-advisan ka ng Immigration officer na pumunta sa Gate-2, Ground Floor.


15.   At Gate -2, Ground Floor, kumuha ka ng priority number mo sa reception counter at wait mo turn mo sa Female Waiting Area. At kapag turn mo na, ibigay ang papel sa female personnel 'yong ini-stampan na application form, QID, New Passport at Old Passport.

16.   Hihilingan ka ng female personnel ng Debit / Credit Card mo. Una ibabawas Qar 200 after that other na ibabawas is Qar 100 para sa pag-proceso ng ID at printing.

17.   Maghintay sa new QID at suriin na tama ang iyong pangalan, passport number at QID number.

Tandaan: Change name lang at Passport number ang bagong details sa QID natin bale ang expiry ng QID is ganun pa rin. Ang mismong PRO natin ang gagawa nun during sa renewal ng ating QID's.

18.   Sa ngayon meron ka ng bagong QID, ibigay mo sa sponsor / company HR mo ang iyong new QID, new and old passport para sa pag-update sa system ng iyong profile or information.


Good Luck!
Blessy♥




Comments

Popular Posts