Paano Mag Invest sa Mutual Funds Using COL Fund Source
Para sa karamihan ang pag i-invest sa mutual funds ay mas better choice dahil ito ay iwas abala sa pag-monitor at paggawa ng mga aktibong desisyon sa kanilang investments.
Ang Mutual Fund ay professionally managed investment products, na nakarehistro sa ilalim ng Securities and Exchange Commission. It pools together a collection of assets mula sa mga indibidwal o mga institutions - generally stocks, bonds, cash or combination thereof.
Isang advantage din ng pag-open mo ng account sa COL is pwede ka ring mag-invest sa mutual funds. And it is very convenient makita natin ang ating stocks portfolio + mutual fund portfolio sa iisang account.
But before maka-invest sa COL Fund Source, dapat mong sagutin ang Client Suitability Assessment (CSA) na available online in COL Fund Source. Mayroon lamang itong 7 questions na susuriin ang iyong profile as an investor. After answering the CSA, makikita mo ang listahan ng mga mutual funds na angkop para sa iyo, batay sa dun sa Risk Profile mo, under the Client Profile Tab. After that maaari ka nang magsimulang mag invest.
Upang ma-access ang dashboard ng mutual fund, i-click ang mutual fund sa COL Home navigation tab.
Sa Fund Information - dito mo maaari subaybayan ang performance at ilang overview of what the fund is all about. For Example and fund code XPEIF ( Philequity PSE Index Fun), pinapakita dito kung magkano ang minimum initial contribution at iba pang mga impormasyon na maaring makatulong sa inyo na magpasya kung ito ba ang mutual fund na gusto mo i-invest.
Sa Order Entry - dito maaari kang bumili ng fund na gusto mo. Halimbawa ng table sa ibaba, i-invest ko ay XPEIF (Philequity PSE Indux Fund) dapat naka-tick ung invest button at i-click yong fund code para sa list of funds for online trading na available. Ang minimum na kinakailangang halaga ng pagbili ay mula sa P5,000 hanggang P100,000 depende sa mutual fund na pinili mo. I-preview ang iyong order at kumpirmahin ang iyong pagbili.
Sa View Order - dito mo naman maaaring makita ang status ng iyong order. Kund hindi ka bumili ipapakita ng screen ung katulad nitong nasa ibaba
Sa Schedule EIP - ito naman ung i-automatic mo ang mutual fund investing. Maaaring ito ay lingguhan, buwanan, quarterly, semi-annual or annually. Itakda lang ang iyong petsa ng. Itakda mo lang ang iyong petsa.
Sa View EIP - dito maaari mong tingnan ang mga detalye ng naka-schedule mong pagbili ng mutual funds. Maaari mo ring kanselahin at baguhin ang iyong mga order.
Sa Portfolio - dito mo naman makikita ang iyong mga biniling mutual funds. Sa ibabang table shows na meron akong 3 Mutual Funds. At dahil wala itong mga funds nato sa investor profile ko nag-sign ako ng online waiver form para mapahintulutan akong bumili.
Sa Research - dito naman maaari mong makita ang lahat na available mutual funds na maaari mong bilhin batay sa iyong risk profile. Kung i-click mo bawat fund name, makikita mo ang kani-kanilang mga impormasyon.
Sa Investor Profile - dito maaari mong makita kung aling mutual fund ang naaangkop sa iyong profile katulad sakin COL designate me as moderately conservative ito ay batay sa pagsagot ko sa Client Suitability Assessment (CSA) kaya ung table sa baba nagpapakita na ito lang mga mutual fund na pwede kong bilhin. At kung gusto kong bumili ng mutual fund na wala sa aking recommended list, kailangan kong mag-sign ng isang online waiver form upang maaari akong pahintulutang bumili.
At kung meron pa kayong katanungan tungkol sa Mutual Funds click mo lang tab ng FAQs
Being a Member ng Truly Rich Club , Bro Bo Sanchez ay may listahan ng mga recommended funds to buy with estimated returns and recommended actions to take. Ito yong isa sa mga advantages ng pagiging subscriber ng TRC.
Inaanyayahan ko po kayong sumali sa Truly Rich Club para sa patnubay sa iyong paglalakbay patungo sa pinansyal na kalayaan. Click here to join!
Happy Investing!
Blessy♥
Comments
Post a Comment