Pagkuha ng Resident Permit / Visa para sa Newborn Baby sa Qatar
Disclaimer : Ang post na ito primarily applies sa isang bata na ipinanganak sa Qatar (base po ito sa sarili kong experience 👀) Sa Qatar bawat kapanganakan ay dapat na mairehistro kahit na kung ito ay sa mga dayuhang - gaya ko (♫ako'y isang pinoy sa pusot ♥ diwa ♪♫). Ang mga sanggol na ipinanganak sa Qatar ay hindi entitled na maging Qatari citizen (kaya mas maagi un dahil solid NoyPi tau ☺) Subalit ang ating sanggol ay ma-iisyuhan o mabibigyan ng sertipiko ng kapanganakan sa bansang Qatar. At bilang isang magulang kailangan natin ma-irehistro ang kapanganakan ng ating mga anak sa Embahada ng ating Bansa. Ito mga hakbang para sa Pagkuha ng Birth Certifcate at Residency Permit ng ating mga sanggol; Steps 1. Pagkuha ng Birth Certificate Birth Certificates ay pwede mong ma proseso sa Women's Hospital o sa Hospital kung saan ka nanganak katulad sakin sa Wakra Hospital ako, pwede sana namin maapply kaagad bago ako ma-discharge at dahil hindi n...