Pagkuha ng Resident Permit / Visa para sa Newborn Baby sa Qatar
Disclaimer : Ang post na ito primarily applies sa isang bata na ipinanganak sa Qatar (base po ito sa sarili kong experience 👀)
Sa Qatar bawat kapanganakan ay dapat na mairehistro kahit na kung ito ay sa mga dayuhang - gaya ko (♫ako'y isang pinoy sa pusot ♥ diwa ♪♫). Ang mga sanggol na ipinanganak sa Qatar ay hindi entitled na maging Qatari citizen (kaya mas maagi un dahil solid NoyPi tau ☺) Subalit ang ating sanggol ay ma-iisyuhan o mabibigyan ng sertipiko ng kapanganakan sa bansang Qatar. At bilang isang magulang kailangan natin ma-irehistro ang kapanganakan ng ating mga anak sa Embahada ng ating Bansa.
Ito mga hakbang para sa Pagkuha ng Birth Certifcate at Residency Permit ng ating mga sanggol;
Steps 1. Pagkuha ng Birth Certificate
Birth Certificates ay pwede mong ma proseso sa Women's Hospital o sa Hospital kung saan ka nanganak katulad sakin sa Wakra Hospital ako, pwede sana namin maapply kaagad bago ako ma-discharge at dahil hindi nadala ang aming original passport hindi namin nakunan si baby ng birth certificate.
Ito mga Hospital / Clinic na pwedeng mag-issued ng Birth Certificate (ito ung inadvise samin ng birth registrar officer ng Wakra Hospital hindi ko alam if ung ibang hospital na hindi nabanggit sa baba ay meron ding registration department) at dahil nga mas malapit kami sa Doha Clinic sa Doha Clinic namin kinuha birth certificate ni baby.
a. Women's Hospital
b. Wakra Hospital
c. Al Ahli Hospital
d. Doha Clinic
Mga dokumentong issumite -
1. Original passports + copies (parents)
2. Original QID + copies (parents)
3. Attested Marriage Certificate (parents)
4. Baby Book / Vaccination Card (bigay ng Hospital kung saan ka nanganak)
5. Credit or Debit Card (para sa pagbayad)
6. Pil-apan ang Supreme Health Council Birth Registration Form
- pagkarating mo sa registration dept. hingi ka kaagad ng form para iyong mapil-apan at maari mo rin makuha mula sa ospital kung saan ipinanganak ang iyong sanggol).
- siguraduhing wastong napunan ang application form at isulat nang tama at malinaw ang pangalan ng sanggol at ang iyong mga personal na detalye.
Qar20 ang singil sa bawat Birth Certificate.
Registration dept. now registers all births electronically and ma-iissue kaagad Birth Certificates within 60 minutes lang tapos na Birth Certificate at Open registration dept. ng Hospital, Sunday - Thursday from 8 AM - 1 PM.
Mga dokumentong issumite -
(para sa form meron downloadable forms sa Philippine Embassy Doha website - maari mo ng idownload at pil-apan para pagpunta ng Embassy i-aapply mo nalang)
- Download at Pil-apan ng malinaw ang Report of Birth form (gamit ang blue o black na ballpen o maari mo ring itype mismo sa form na iyong madodownload)
- Download at Pil-apan ang E-Passport Application (Minor) form (gamit ang blue o black na ballpen o maari mo ring itype mismo sa form na iyong madodownload)
- 5 copies ng Qatar-issued Birth Certificate (yellow)
- 5 copies ng Qatar-issued Birth Certificate (white)
- 5 copies ng MOFA Authenticated Marriage Certificate
- 5 copies ng Pasaporte ng mga magulang (pahina ng meron larawan at pirma)
Pakidala nalang din mga Original na certificates for reference.
After a month, pwede mo ng i-check sa Phil Embassy Doha FB page kung ready na for pick up ang pasaporte ni baby.
Additional Requirements:
1. Affidavit of delayed registration - For births na hindi narehistro sa loob ng tatlumpung (30) araw
2. Affidavit of delayed registration at Affidavit of two disinterested persons - For births na hindi narehistro sa loob ng isang (1) taon
3. 4 pcs. recent passport size photo ng bata
Mga Babayarin:
- Report of Birth - QR 100
- ePassport - QR 240
- Affidavit of Delayed Registration - QR 100
- Affidavit of Two Disinterested Persons - QR 100
Dahil meron ng Qatar issued Birth Certificate, Phil Embassy Report of Birth at Passport, next mission naman dito ang pagkuha ng residency permit para maging opisyal na residente na ng Qatar ang ating junakis.
Step 3 - Pagkompleto ng mga dokumentong isusumite para sa pag-apply ng RP
Baby
- Passport Copy
- Copy of Phil Embassy Registry of Birth
- Copy of Qatar-issued Birth Certificate
Mother & Father (Parents)
- Attested Marriage Certificate with Phil Embassy Doha & MOFA stamp
- QID copy of both parents
- Passport copy of both parents
- Attested school degree certificate with Phil Embassy Doha & MOFA stamp (with new MOFA letter issued format - School certification) - both parents
- NOC letter from company with company computer card - both parents
- Labour Contract Copy - both parents
- 1page 6 months bank statement with bank stamp - both parents
- House contract with Baladiya stamp
- Kahramaa Bill
- Letter from Husband that he has no objection with baby under mom's sponsorship (in arabic with husband signature, arabic letter can be done in typing center near Gharaffa immigration)
- Family Visa Application form (can be done in typing center near Gharaffa immigration, tell them clearly that it is a newborn baby, born in Qatar and going to be under the mother's sponsorship - to avoid getting the wrong form)
Step 4 - Pagkuha ng Resident Permit para sa newborn baby
Para sa RP ng newborn baby pumunta sa Gharafa Immigration, sinabihan ako ng company PRO namin na kung ang sanggol ay nasa ilalim ng sponsorship ng mother, ito ay maaari lamang gawin sa Gharafa at hindi sa ibang Immigration center (pwede nyo pong i cross-check).
Pag nasa Gharafa Immigration na kayo, pumunta kayo sa Gate # 3 (huwag malito kasi Gate # 2 at Gate # 3 nasa isang room lang, basta pagkapasok nyo sa Gate # 3 (right nyo bale ) dumerecho kayo sa reception area at humingi ng priority/ token number at dun antayin ang iyong numero at ipasa ang inyong mga dokumento. Itse-check ng counter staff ang inyong mga documents at papuntahin ka sa Captain para sa signature. Pagkatapos mapirmahan ng Kapitan, balik ka ulit sa counter at ipasa mo ang mga dokumento. Bibigyan ka ng resibo at nakasaad 'yong visa application number na pwede mong macheck ang status sa MOI website. 1st status 'Under Review, 2nd 'Under Process' tapos 3rd 'Ready to be Printed'. Yayy ok na, so saya-saya na☺
Kung meron kang Metrash mobile app, pwede mong bayaran ang visa gamit ang iyong credit card o pumunta ka na ulit sa Gharafa Immigration, Gate # 1, hingi ka token / priority number sa reception at antayin ang iyong number na matawag, tapos ibigay mo ung resibo na iyong narecev sa Gate#3 at bayaran mo by Credit / Debit Card ang family visa - QR 200. Bibigyan ka ulit ng ibang resibo.
Mga Babayarin:
- Visa - QR 200
- RP - QR 500 (valid for a year)
- QR 10 penalty per day after expiring which is 2 months outside Qatar and 3 months inside Qatar
Sakin dahil may Metrash Mobile App ako, binayaran ko sa Metrash ng QR 200 by credit card tapos print ko yong visa, pwede mo maprint ang visa dito sa MOI website. Pagkatapos dalhin mo yong resibo from Gate # 2, Print out ng Visa at Passport ni Baby sa Gate # 1. May ibibigay na bagong papel at ito naman ang dadalhin mo sa Gate # 2. Hingi ka token / priority number sa reception at antayin ang iyong number na matawag. Ibigay mo ung bagong resibo o papel from Gate # 1, 2x2 Studio picture ni Baby (blue background), Original Passport ni Baby, QID mo at Credit / Debit Card. Wait mo lang ng 5 minutes matatanggap mo na QID ni Baby valid for a year. Sa wakas na tapos din at opisyal ng residente sa Qatar ang Baby ko!!! 😏
QR 500 para sa Resident Permit valid for a year at dahil delay na ang application namin sa RP ni Baby nagpenalty kami ng QR 10 per day kasi dapat before 3 months ni baby na-apply na namin at dahil sa daming authentication sa mga documents nadelay kami.
Ilang beses din akong pabalik-balik kasi kulang ang ibang dokumento, tapos yong dati kong naka Red Ribbon at attested sa MOFA na Degree Certificate hindi tinanggap kasi meron bagong issued format ng school certification ang nirerequired ang MOFA, meron itong sample na nasa Embahada nakapost sa may counter. At yong isa naman na kulang yong arabic letter na pipirmahan ng hubby ko, kaya lakad naman ulit sa may typing center at dahil nasa work na si asawa ko at malabong mapirmahan nya pinagpabukas ko nalang pumasok nalang ako sa work at bumalik nalang ulit kinabukasan.. oh db ilang beses ako nakikipagpatintiro sa daan dahil sa traffic at need ko pa unahan amo ko sa opis para kunwari hindi ako nalate, bwaahaha ☺👀 .
(Note: Huwag dadalhin si Baby kasi yong ibang may dala ng baby pinapagalitan ng Immigration Officer)
Sige Goodluck po sa inyo!
Promise sulit naman yong hirap sa pagproseso kasi makakasama natin ng legal ang ating mga Baby dito sa Qatar sa hirap at ginhawa, charaught!
Promise sulit naman yong hirap sa pagproseso kasi makakasama natin ng legal ang ating mga Baby dito sa Qatar sa hirap at ginhawa, charaught!
Thanks,
Blessy♥
Ma'am paano po kung manganak sa pilipinas at dadalhin sa Qatar ano po kya process?
ReplyDelete